Ang Meningitis ay pamamaga ng membrane na bumabalot sa utak at spinal cord, na tinatawag na meninges. Ito ay maaaring magmula sa mga mikrobyo na puwedeng mag dulot ng impeksyon sa tubig na matatagpuan sa utak at spinal cord. Ang impeksyon ay maaring magmula sa tatlong mikrobyo tulad ng bacteria, viruses at fungi.
Ang meningitis ay nakakahawa. Ito ay karaniwang nakukuha mula sa mga tao na mayroong meningitis sa pamamagitan ng pag-ubo, pag-gamit ng mga bagay na ginamit nila o sa pagsalo sa kanilang pagkain.
Malalaman ito sa pamamagitan ng pagkuha ng tubig mula sa spinal cord sa likod. Ang tubig na makokolekta ay ipapadala sa laboratory upang masuri. Ang resulta ng eskaminasyon na ito ay magbibigay ng impormasyon kung ano ang mikrobyo na nagdulot ng meningitis at ito ay makakatulong upang maibigay ang tamang antibiyotiko.
Lahat ng pasyenteng my meningitis ay kailangan gamutin sa ospital. Antibiyotiko ang lunas kapag ang meningitis ay sanhi ng bacteria. Kapag ang dahilan ng meningitis ay Virus, limitado ang mga gamot na binibigay para mapagaling ito. Ang mga gamot na binibigay ay para maibsan lamang ang mga simtomas. Kasama na dito ang kaukulang pahinga at gamot na pampababa ng lagnat.
Maaring iwasan ang meningitis sa pamamagitan ng pagbakuna laban sa Haemophilus influenza, Stretococcus pneumonia at Neisseria meningitides, mga pangunahing mikrobyo na sanhi ng bacterial meningitis.
Black RE, Cousen S, Johnsen HL, Lawn JE et al. Global, regional and national causes of child mortality in 2008; a systemic analysis, Lancet 2010; 375: 1969-1987
Confederation of Meningitis Organization. Available at http://www.comoonline.org
National Epidemiology Center Department of Health Philippines. Philippine Integrated Disease Surveillance and Response (PIDSR)
Wikipedia. [online image] Available at http://www.en.wikipedia.org/wiki/Meningitis [accessed April 4, 2013]
Meningitis- PubMed Health [online image] Available at www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmedhealth/PMH0001700 [accessed April 4, 2013]
Center for Disease Control and Prevention [online image] Available at http://www.cdc.gov/meningitis/index.html [accessed April 4, 2013]